[ano man mabasa nyo tungkol sa blog na ito ay totoo kwento ng buhay ko, hindi gawa-gawa maraming beses ko pinagisipan kung dapat ko ba ikwento or hindi na lang] here's the story..
Isa lang din ako sa tulad nyo ordinaryong tao, simple tao pero may pangarap na gustong matupad. Bata palang ako hindi na perfect buhay ko at ng mga kapatid ko, pero ang tingin samin ng ibang tao perfect. Siguro masasabi ko na perfect meron kase may perfect father ako na nagtaguyod ng buhay namin magkakapatid, sa totoo kase hindi ako nagkaron ng perfect na ina at product kami ng mga kapatid ko broken family. Masakit isipin na dahil sa pagrerebelde at pride ng nanay ko nagawa nya sirain buhay namin. Nagkaron sya ng affair at nagkaron ako ng half-sister, bata palang ako tinanggap ko na ang katotohanan na sira na buhay namin dahil sa nagawa ng nanay ko. Nadamay kami ng mga kapatid ko, kung sino sino nagalaga samin na kamag anak ng father ko, basta may kapalit na pera. Sino nga ba naman ang kamag anak na magkakawang gawa samin lalo't abroad ang father ko, wala pa ako sa tamang edad kaya hindi pa pwede humawak ng pera kaya no choice kami, kamag anak ang hahawak para daw mas ok at alam gastusin. Nakakatuwa nga isipin kase nagpapalit palit magaalaga samin nasa kanila yong pera na para samin pero kami ang mukhang kawawa, nagtitiis sa kung ano meron, at sila sagana. Yong nanay ko bago sya nagloko sa father ko sya din ang may hawak ng pera kase sya ang asawa noon, pero wala kami kaalam alam na ginagamit na pala nya sa pang loloko ng father ko. Pero tama nga na walang lihim na hindi nabubunyag, kaya dumating sa time na nalaman ng father ko mga nangyare kaya nagkagulo gulo kami.
Pangalawang pagkakataon na naibigay..
Dumating ang time na nasa puder na kami ng father ko, ang akala ko ok na kami, inalagaan na naman kami ng kapatid ng father ko akala namin mabait, pero sya pala ang demonyo sa angkan ng father ko. Hindi lang sa government nangyayare ang corruption maging sa loob ng bahay meron lalo kung nagaalaga ka ng ahas, kahit na nangyare yon hinayaan ko nalang kahit na doble doble hirap ang naranasan ko at ng mga kapatid ko, kulang nalng para kang nasa kombento kahit kaibigan ko hindi ko madala ng maayos sa bahay pati bestfriend ko nagawa ko talikuran nagawa ko awayin sya para lang magalit sya sakin dahil hindi ako pwede makipagusap sa phone. Noong nagcollege ako bantay sarado ako walang laya, laging lihim ako pinupuntahan ng taong nagaalaga kuno samin sa boarding house ko at kahit doon pinagbawalan ako makipagusap sa boardmates ko, may sarili ako kwarto sa loob bilin nya sa landlady ko na bawal ako pumunta sa room ng mga kaboardmates ko, i felt so alone even my sisters hindi ko magawang lapitan at sabihan ng mga nararanasan ko sa buhay dahil brain wash na sila. Bawat uwi ko sa bahay wala sila kaalam alam na unti-unti ko na inuubos mga damit ko sa bahay dinadala ko sa boarding house, sabi ko hindi ko na alam kasunod na mangyayare kung magtatagal ako sa bahay na kasama sila halos wala ako kakampi, pasalamat nalang ako na kahit hindi ko alam ang gagawin at alam kung saan pupunta nilaksan ko ang loob ko, dahil alam ko wala na ako babalikan sa bahay kapag nalaman na naman ng taong yon ang mga plano ko. Natagalan ako sa pag-aaral sa college dahil magulo buhay ko palagi nya ako pinapatigil sa pag-aaral kahit walang dahilan after ng sem sinasabi nya "tumigil ka sa pag-aaral, dumito ka sa bahay maglaba ka" everytime na natatapos ang sem natatakot ako kase alam ko ang mangyayare, na patitigilin na naman ako. Pero dumating yong araw na kelangan ko na lumaban kahit alam ko mali ang pumatol sa matanda lalo na bloodline ko, pero hindi ko alam kung pano ko nagawa yon na don na nagstart yong sunod-sunod na paglabang ko sa kanya na halos sinaktan na nya ko kase hindi nya na alam kung pano ako k-control na halos di na nya ko kaya dahil pinaptulan ko na sya, na alam ko na kahit sya nagulat sa naging asta ko sa kanya. Nalaman ng father ko lahat ng nangyare dahil hindi na nya matanggap na nasaktan na nya ako, na mismo ang father ko ayaw na ayaw kami sinasaktan, pero mismo kadugo pa nya nakasakit sakin. Natapos na din sa wakas ang paghihirap namin sa taong yon, pero hanggang sa ngayon hindi nila kami tinitigilan palagi pa din sila nakamata samin gumagawa ng kung ano issue na sinisira pa din kami, pero wala na sila magagawa dahil ako na mismo ang pumoprotekta sa amin ng mga kapatid ko, hinding hindi ako papayag na masasaktan ulit nila kami lalo na emotionally. Kung ano hirap naranasan namin sa kanila yon naman pagbawi ginawa ko para sa amin, nagunti-unti kami magsimula ng bagong buhay na parang walang nangyare sinubukan kalimutan ang pangit na nakaraan sa kamay ng mga makasarili at greedy people around us. Inggit na lang ang pinaiiral nila dahil sa tagumpay na nakukuha namin.
[ang nakalipas di na dapat pa balikan, i hope everybody will read this and some of you people spend a moment to think of kung gaano kayo ka-swerte na buo ang family nyo at may maayos kayong ina]
Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko nong araw na magakaron ulit kami ng communication ng nanay ko, siguro naging biglang excited ako at masaya maybe.. Kase for so many years na nawala sya, sabihin na nating higit sa isang dekada kami hindi nagkita at nagkasama yong pananabik sa ina dapat ko maramdaman, nandon yong "kamusta ka po?" ni hindi ko alam kung paano ko sya tatawaging mama, wala ako makapa sa puso ko na sabik na isang anak kundi nasabik ako kase kamusta na sya. Akala ko ok na lahat pero hindi pala, dumating kase yong araw na kelangan nya mamili samin dahil kasama nya half-sister ko, medyo natuwa naman ako kase nakita ko yong bata pero hindi ko akalain na malayo yong ugali nya samin magkakapatid, palage kami nagaaway yong respeto nya sakin bilang eldest hindi ko makita samantalang yong dalawa ko tunay na kapatid alam ko kahit na nagkakaron kami ng tampuhan which is normal, e nandon yong malakeng respeto sakin. Isang araw na kinausap ko nanay ko na kung pwede sya pumunta sa amin para maalagaan naman kami, gusto nya isama half-sister ko, ginawa ko yon dahil gusto ko malaman kung pano nya ba talaga kami kaya alagaan dahil nakalimutan ko, sabi ko iwanan yong half-sister ko dahil sagot ng ama nito yong support para sa bata at alam ko hindi sya nagaaral dahil humihinto sa kagagawan ng nanay ko, elementary palang huminto na at hindi normal sakin na isa sa bloodline ko ganon, kaya nakipagusap ako sa nanay ko na kung pwede ibigay sa tatay nya yong bata dahil doon makakapag aral ng tuloy-tuloy. Akalain mo ba naman sa galit sakin ng nanay ko yong hawak nya na bread knife muntik na sakin isaksak, buti sa pader ng bahay nya sinaksak pero inamin sakin ng pinsan ko na ako daw talaga yong dapat sasaksakin! Sa tingin nyo ba may ganon talagang klase ng nanay na para sa ikabubuti ng anak nya kaya mo nasabi yon pero dahil sa galit nya sa sinabi ko magagawa nya ako saktan na parang ganon lang kadali. Pakonti konti ko binubuo pamilya ko hanggat sa abot ng aking makakaya pero sa kasamaang palad kapag may taong ayaw ayusin ang sarili nya nakakasama sa gusto ko pagbabago.
Ilang beses ko napatunayan na hindi kami pwede magsama ng nanay ko dahil iba sya sa kinalakihan ko ugali, palaban ako sa alam kong tama ako at sya sarado ang isip nya sa lahat ng pwede makabuti. Mahilig sya gumawa ng mga bagay na hindi nya tinatapos, the more na tinutulungan mo sya lalo sya gumagawa ng problema na akala nya pinagtutulungan sya lahat ng taong nasa paligid nya akala nya nirreject sya. Naawa ako sa kanya dahil simula noon hanggang sa ngayon walang nagbago sa buhay nya, kapag pera ang pinguusapan ok lang na wala mga taong may pakealam sa kanya pero kapag wala na sya pera babalik na naman, madalas paiba-iba sya ng mood, kung galit sya lahat idadamay nya iba ang takbo ng utak nya kahit anong intndi gawin ko at ng mga kapatid ko hindi ko maintindihan. Kami nalang ang pwede tumulong sa kanya kaya gingawa namin maayos ang buhay nya, dahil ang father ko kahit hindi nagsasalita nasasaktan pa din sya sa nangyare, ang haba na ng panahon na nawala sa kanya para kami makasama nya kaya gusto namin kapag umuwi na sya ok na lahat at sya naman ang iisipin namin. Pero hindi pa namin maiayos dahil may isang ina na hindi nagpapakaina at hanggang ngayon sarili pa din nya iniisip nya, nakakatakot sya kapag kasama mo sa bahay pero para sa ibang tao huwaran syang ina pero ako at mga kapatid ko lang tanging nakaalam ng totoo kaya sana wag kami judge na parang kami na pinaka masamang anak dahil sa gingawa namin sa nanay namin, sinabi ko sa mga kapatid ko natapos na paghihirap namin sana wag na maulit dahil habang nakakasama namin sya sa bahay nakikita ko lang yong pagkakamaling nagawa nya na naging dahilan kung bakit nasira pamilya namin at naranasan lahat ng pang aapi ng mga kadugo namin.
[paulit-ulit din namin nararanasan ang paghihirap dahil nakikita namin ang dahilan ng paghihirap namin simula noon, ina lang namin sya na nagbigay ng buhay samin at sa mata ng tao pero yong nagpakaina sya sa amin, yon ang hindi alam ng karamihan na madali kami hinusgahan]
Palagi ko sinasabi na kahit kelan hinding-hindi ko gagawin sa magiging pamilya ko ginawa ng nany ko samin, hanggat maaari lahat ng sacrifices at pagmamahal sa mundo ibibigay ko, wag lang maransan nila nangyare sa family ko, gusto ko ng buo at masayang pamilya at hindi ko gagawin lokohin ang taong mahal ko para lang sa panandalian kasiyahan, dahil ang katotohanan "minsang sarap, habang buhay na hirap"
Ang kwentong ito base sa true story ng blogger na madalas nyo nababasa dito, hindi po ako sikat na tao at wala po ako plano maging sikat dahil gusto ko lang maishare yong story ng life ko, i know some you guys are not interested in this kind of story, but i know there someone whose reading this will inspire and take this as there inspiration in life. Wag nyo sukuan ang mga gusto nyo gawin sa buhay, dahil gaya ko na nagpapalit palit ng kurso dahil sa kalokhan ng ngalaga samin pero natuto lumaban at ngayon nakapagtapos na ng pag-aaral sa course na Bachelor of Science in Information Technology at may sarili na business. Maraming salamat sa inyo! So help me God.